--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa ng monitoring ang Department of Agriculture (DA) Region 2 sa mga naitatalang peste pangunahin na ang nakitang Fall Army Worn (FAW) sa mga pananim na mais at palay maging sa mga high value crops.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Science Specialist Minda Flor Aquino ng DA Region 2 na mataas ang infestation ng Fall Army Worm sa mga pananim na mais sa Cabatuan at Aurora, Isabela na mula 10% hanggang 30%.

Aabot sa 1.1 hectares na pananim na mais ang naapektuhan ng FAW sa naturang mga bayan.

Ang nakikita nilang dahilan ay ang hindi tumitigil na pagtatanim ng sweet corn na pagunahing kinakain ng Fall Army Worm sa mga nabanggit na bayan.

--Ads--

Mayroon ding naitalang infestation ng FAW sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ngunit kakaunti lamang ang naapektuhan.

Sinabi pa ni Aquino na may limang ektaryang pananim na palay na nasa flowering stage ang naapektuhan ng leaf folder.

Maagap namang natugunan ang leaf folder kaya kaunti lamang ang naapektuhan sa mga pananim sa San Pablo, Isabela at Diffun, Quirino.

Binibigyan din nila ng on the spot technical briefing ang mga magsasaka upang malaman nila kung ano ang mga dapat gawin sa kanilang mga pananim at kung ano ang dapat na gamiting pestisidyo.