CAUAYAN CITY- Nagpaabot ng tulong ang Department of Agriculture o DA Region 2 sa mga Mango Growers sa lambak ng Cagayan na apektado dahil sa oversupply ng mangga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ma. Rosario Paccarangan, Chief ng Agri-business and Marketing Assistance Division ng DA Region 2 sinabi niya na nakipag-uganyan sa sila sa mga buyers maging sa farmers cooperative and association upang bilhin ang mga inaning mangga ng mga mango growers sa rehiyon.
Aniya, naibenta nila ang mahigit 700 kilos na mangga ng mango growers mula sa San Mateo, Isabela at ang mga asosayon ng mango growers sa lalawigan ng Cagayan.
Binili ng DA Region 2 sa halagang 25 pesos per kilo para sa mga good quality na mangga at 15 pesos naman para sa mga medium at small habang 20 pesos naman per kilo ang mga green mangoes.
Ayon pa kay Paccarangan, mismong truck ng Kadiwa ang pumupunta sa mga farm para hakutin ang mga bibilhing mangga upang mabawasan na din ang gastos ng mga mango growers.
Hinikayat naman niya ang mga mango growers na makipag-ugnayan sa mga local market gaya ng LGU at mga farmers associations upang matulugan sila sa mga pagbenta ng mangga.
Bukas naman umano ang mga kadiwa trucks para sa mga mango growers na nais humiram nito para sa pag-transport ng kanilang mga produkto sa ibang lugar.
Pinag-aaralan na din aniya nila ang pagtatayo ng processing plant sa rehiyon para ma-cater ang mga produkto ng mga mango growers.
Ayon pa dito, para maiwasan na masayang ang mga mangga ay maaaring pag-aralan ng mga mango growers ang pag-processed sa kanilang produkto gaya na lamang ng pickled mango na maaaring gawin lamang sa bahay.