--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Santiago ang kauna-unahang Music Studio sa loob ng piitan sa Rehiyon Dos na may layuning mabigyan ng pagkakataong maipamalas ng mga Detainee ang kanilang talento sa musika.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Insp. Ericley Louise Lazaro, Jail Warden ng BJMP Santiago City, ibinahagi niya na parte ang Music Studio sa kanilang Psycho-social Program para sa mga inmates.

Inihayag ni Jail Chief Insp. Lazaro na nagtanghal ang ilang grupo ng inmates at hinikayat siyang magpatayo ng maliit na studio sa kanilang piitan.

Pinag-aralan niya ang paggawa ng music studio at napagpagpasyahan na magpatayo sa tulong na rin ng kanilang mga personal na kontribusyon bilang mga BJMP Personnel.

--Ads--

Makikita sa loob ng Music Studio ang ilang kasangkapan kabilang na ang Mixer, Recorder, Condenser, Microphone, Desktop, Microphone Stand, Ring Light, Musical Instruments at ilan pang kagamitan na makikita sa isang karaniwang Studio.

Ayon pa sa Jail Warden, gamit ang mga Tray ng itlog ay pinilit umanong gawin ng kanilang mga kasamahan na Sound proof ang kanilang Studio na kasalukuyang pinangangasiwaan ng ilan sa  mga kawani ng piitan.

Sa pamamagitan aniya ng musika ay magkakaroon ng Psychological Benefit ang mga PDL Musicians maging ang mga nakikinig sa mga ito kaya naman bilang parte ng kanilang paglulunsad ay binuo na rin ng tanggapan ang Labing-limang PDL Performing Artists na kinabibilangan ng ilang rapper at mga mang-aawit.

Bahagi ng pahayag ni Jail Chief Inspector Ericley Louise Lazaro.