--Ads--

CAUAYAN CITY – Pumalo sa mahigit tatlong daang milyong piso ang inisyal na pinsala sa sektor ng Agrikultura sa Lambak ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Julian

Ito ay kinabibilangan ng mga palay, mais at high value crops.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng Department of Agriculture Region 2, sinabi niya na kabilang sa mga pinaka naapektuhang lalawigan sa Rehiyong Dos ay ang Batanes at Cagayan na pinaka-sinalanta ng bagyo.

--Ads--

Napinsala rin ang ilang mga pananim sa lalawigan ng Isabela at Nueva Vizcaya kung saan karamihan sa mga napinsalang pananim na nasa maturity stage na o malapit nang anihin.

Tiniyak naman niya  na mahahatiran ng tulong ang mga apektadong magsasaka pangunahin na ang mga rehistrado sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Maaari umanong makatanggap ng mga farm inputs ang mga ito gaya na lamang ng abono at binhi maging ang cash para sa mga magsasaka na naka insured ang pananim.

Nakapag-abot naman na ng paunang tulong ang kagawaran ng pagsasaka sa libo-libong mga magsasaka na pinangunahan mismo ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.