--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA region 2 na hindi Fall Army Worm o FAW ang umaatake sa mga pananim na sibuyas sa Nueva Vizcaya kundi ito ay kapamilya lamang ng FAW na isang invasive pest.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Science Research Specialist Minda Flor Aquino ng Crop Pest Management Center ng DA region 2 na malaki na ang naapektuhan ng peste sa mga pananim na sibuyas at nagsasagawa na sila ng validation.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng pagsusuri ang DA region 2 kaugnay sa pag-atake ng peste sa sibuyas.

Dapat aniya nilang bantayan dahil maituturing itong invasive pest at kapag naapektuhan nito ang sibuyas ay mapipigilan nito ang development ng naturang pananim.

--Ads--

Unang pagkakataon aniyang umatake ang peste dito sa rehiyon dos at ang pinuntirya ay ang mga pananim na sibuyas sa Nueva Vizcaya.

Ang naturang peste ay nauna na rin umanong umatake sa Region 1 at Region 3 noong 2018 at 2019.

Ang bahagi ng pahayag ni Senior Science Research Specialist Minda Flor Aquino