--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang Department of Agriculture o DA Region 2 sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda mula sa pangulo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino, sinabi niya na ang ginanap na programa ng pangulo kahapon ay seremonya lamang sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na dinala ng national government sa Region 2.

Nilinaw niya na wala pang ibinibigay na ayuda at inii-schedule pa ang payout dahil maraming benepisaryo na dapat mabigyan.

May isasaayos pa sa listahan ang MDRRM Offices at ibababa pa ng Office of the President ang pondo sa provincial government na mamamahagi ng tulong pinansyal.

--Ads--

Iba pa aniya ito sa ayuda na galing sa Department of Agriculture dahil may sarili silang listahan at tiniyak niya na maipapamahagi pa rin ito.