
CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang pamamahagi ng mga binhing palay ng Department of Agriculture (DA) Region 2 sa mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na patuloy pa rin ang pagbibigay nila ng mga binhing palay sa mga magsasaka na mula sa 93 munisipalidad at lunsod sa rehiyon.
Kinakailangan aniyang hindi hihinto ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim at pag-aani upang mayroong pagkain na bibilhin ang mga mamamayan.
Batay sa ibinigay na talaan ng Regional Director ng Philrice, ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay nakapag-bahagi na ng 60%.
Ang total target ng RCEF ay 182,855 hectares at 60% nito ang nabigyan na.
Samantala ang programa ng DA Region 2 na hybrid ay may puntiryang matamnan na 69,000 hectares at nakapagbahagi na sila ng mahigit 50%.
Sa kanila namang programang inbred ay 20 ektarya lamang ang puntirya ng DA Region 2 at nakuha na ang mahigit 50% nito.
Samantala, 2% pa lamang ang nagtanim ng palay na mayroong water pump habang ang nakapagtanim na ng mais ay 48%.
104,000 hectares na rin ang natamnan ng mais sa puntiryang 215,000 hectares.










