--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng DA Region 2 na maideliver  sa buwan ng Hulyo ang mga sentinel pigs sa mga hog raisers  na apektado ng ASF sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, sinabi niya na kaunti lamang ang alokasyon nito na nakuha ng Kagawaran.

Mula sa 400 milyong allocated para sa DA ay 75 milyon lamang ang nakuha para magamit sa repopulation ng baboy na ibibigay sa mga hog growers sa rehiyon na lubhang naapektuhan ng ASF upang matesting kung maaari na silang mag alaga muli.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo kailangang masuri ang mga kulungan ng baboy upang hindi malugi ang mga hog growers.

--Ads--

Isa o dalawang sentinel pigs muna ang ilalagay sa mga kulungan upang makita kung maaapektuhan pa rin ang mga ito ng ASF at sakaling wala nang masuring virus sa lugar ay maaari nang dagdagan ang ilalagay na baboy sa kulungan.

Aniya ang mga LGUs ang nag-identify sa mga mabibigyan ng sentinel pigs sa kanilang nasasakupan.

Muling nilinaw ng DA na tanging ang mga hog growers lamang na na-cull ang baboy ang maaaring mabigyan ng sentinel pigs at hindi kabilang ang mga namatayan ng baboy at hindi rin naireport sa LGU at sa DA.

Manggagaling ang mga ipapamahaging sentinel pigs sa Tarlac at sa isang malaking piggery sa lunsod ng Ilagan.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2.