--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Agriculture sa bayan ng San Mateo na wala pa silang assistance na maibibigay sa mga magsasaka na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Ana Basilio, Officer In-charge ng DA San Mateo, sinabi niya na nasa 4,000 hektarya ng taniman ang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bayan ng San Mateo.

Aniya, sa ngayon ay inaantay pa lamang nila ang mga assistance na manggaling sa DA Regional Office na ipapamahagi sa mga magsasaka.

Bagama’t may mga binhi at fertilizers na dumating sa kanilang tanggapan, nilinaw niya na ang mga ito ay para sa mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at hindi nakalaan para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

--Ads--