CAUAYAN CITY – Tinanggihan ng Kagawaran ng Pagsasaga o DA ang mungkahi ng Samahang Industriya ng Agriklutura o SINAG na mag-import ng mga fertilizers o abono upang maibsan ang sobrang pagtaas sa presyo sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SINAG Chairman Rosendo So na hiniling nila sa Kagawaran ng Pagsasaka o DA na mag-import ng mga abono dahil sa tumataas na presyo nito sa world market ngunit inihayag ni Kalihim William Dar na hindi kayang magpasok ng mga fertilizers sa bansa.
Dahil dito hiniling ng SINAG sa DA na maibigay ang Fertilizer subsidy sa mga magsasaka at sinimulan nang ipamigay sa mga magsasaka sa Tarlac, Pangasinan at Nueva Ecija.
Sinabi pa ni SINAG Chairman So na hiniling din nila ang suporta sa magsasaka na nagtatanim ng palay at pumayag anya ang DA na magbibigay ng cash assistance na sampong libong piso sa kada isang ektarya subalit ginawa na lamang ngayong limang libong piso.
Huminto na rin ang China sa pag-eexport ng kanilang fertilizers dahil mas minabuti nilang iprayuridad na supplyan ang mga magsasaka sa kanilang bansa
Tatlumpong bahagdan ng Urea ay iniimport din sa Thailand at tumataas na rin ang presyo.
Mayroong mga private sector na nag-aangkat ng mga fertilizers ngunit dahil pataas na pataas ang presyo ay limitado na lamang ang kanilang binibili at mataas din ang bentahan sa bansa.
Sinabi pa ni SINAG Chairman So na magiging alternatibo ng mga magsasaka ang paggamit ng Foliar fertilizer subalit sa ngayon ay limitado rin ang supply nito sa bansa.
Sumulat din ang SINAG kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspendihin muna nito ang ipinataw na karagdagang sampung bahagdan sa taripa ng mga produktong petrolyo
inihayag ni SINAG Chairman So na ang kanilang hakbang ay bunsod ng paggamit ng mga magsasaka ng mga water pump at ilang makinaryang pambukid.
Kapag pansamantalang sinuspendi ang pagpapataw ng sampong bahagdang taripa sa mga produktong petrolyo anya ay malaking bagay ito hindi lamang magsasaka kundi maging sa iba’t ibang sektor ng lipunan.











