--Ads--

CAUAYAN CITY –Patuloy na hinihimok ng Department of Trade of Industry (DTI) Isabela ang mga kabataan na magkaroon ng kabuhayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela, bukod sa paghahanap ng trabaho ay kailangan ding maging bukas ang kaisipan ng mga kabataan kaugnay sa pagnenegosyo.

Ito anya ang isa sa mga dahilan kung bakit kasabay ng isinasagawang job fair Cauayan City ay nagsagawa rin ng trade fair ang DTI Isabela.

Maraming kumpanya ang nangangailangan ng mga manggagawa tulad ng Clinical at Non-Clinical Job, Field and Office Staff at mga skilled worker na gustong magtrabaho sa ibayong dagat.

--Ads--

Bukas din ang naturang aktibidad para mga out of school youth o mga tumigil sa pag-aaral, at mga persons with disability o may kapansanan.

Bukod sa job fair ay may isinagawa ring youth entrepreneurship development training ang department of trade and industry at galing masahista training o reflexology ang TESDA.

Bukod sa mas malaking pagkakataong kumita ay layunin nitong mapalaki ang sakop ng kanilang pinagbebentahan sa pamamagitan ng mga nakikilala sa trade fair at nahihimok ang mga kabataan na magnegosyo.

Ang mga itinatampok ngayon sa trade fair ay isasali rin sa Regional Trade Fair na gaganapin sa Kalakhang Maynila.

Ipinagmalaki pa ng Provincial Director ng DTI Isabela na ilan sa mga produktong nagagawa sa lalawigan ay nakakarating na rin sa ibang bansa.

Maliban sa trade fair ay nagsagawa rin ng lecture ang DTI Isabela kaugnay sa Youth Entrepreneurship Development Training.

Umabot sa 35 kumpanya ang nakibahagi na may 200 alok na trabaho, 28 naman ang trade fair participants at halos 500 mga applikante.