--Ads--

CAUAYAN CITY– Nangangailangan ngayon ng daan-daang health workers ang DOH Region 2 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Rio Magpantay, panrehiyong direktor ng DOH Region 2 na kasalukuyan ang kanilang hiring para makatulong sa mga ospital at lugar na nangangailangan.

Aniya, mayroon ng kakulangan ng health workers sa mga ospital dahil kapag may nagpositibo ay kailangan ding magquarantine ang kanilang direct contacts na kasamahan.

Sa ngayon ay kaunti pa lamang ang nag-aaplay at maaring sila ay natatakot.

--Ads--

Sa mga gusto naman aniyang mag-aplay na registered, walang sakit at hindi buntis ay mag-aplay lamang sa kanilang website, facebook o di kaya ay magpunta sa kanilang tanggapan.

Ayon pa kay Dr. Magpantay, sa mga health workers na tinatamaan ng COVID-19 at nasa mild at moderate lamang ay may ayudang labing limang libong piso, ang severe naman ay isang daang libong piso habang ang namamatay ay isang milyong piso.

Sa ngayon ay apat na health workers na ang nasawi sa rehiyon mula ng magkaroon ng pandemya.

Bahagi ng pahayag ni Dr. Rio Magpantay