--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot na sa 300 hectares na pananim ng mais ang naapektuhan sa ilang araw na pag ulan dito sa isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Agriculturist Angelo Naui, na sa kanilang paunang monitoring ay nakapagtala na sila ng mga naapektuhang magsasaka na nagtanim ng mais sa mga bayan ng Echague, Gamu at Ilagan City.

Tumaas anya ang lebel ng tubig kaya naapektuhan ang pananim na mga mais malapit sa ilog.

pangunahin umanong naapektuhan ay ang mga nasa vegetative stage pa lang na mas madaling palitan o mag-replant .
Anya mas mahirap umanong masira ang mga pananim na nasa maturity srage na.

--Ads--

Nilinaw din ni Dr. Naui na mayroon ding mga nasalantang pananim dahil sa daga at kohol .

subalit hindi ito naging malaking suliranin dahil alam naman na umano ng mga magsasaka kung ano ang gagawin sa mga Ganitong suliranin.

Ang hindi lang talaga umano mapigilan na naging problema ay ang pagbaha.