
CAUAYAN CITY – Panlilinlang ang dagdag-bawas na ipatutupad bukas dahil ang diesel at gasolina ay sabay na inaangkat ng mga kompanyang langis.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Mody Floranda, national Chairman ng Pinagkaisang Samahan ng mga Transport Nationwide (PISTON) na nagugulat sila sa bawas sa presyo ng diesel ngunit may pagtaas sa presyo ng gasolina dahil hindi puwedeng hindi sabay ang pag-angkat sa naturang mga produktong petrolyo.
Ayon kay Ginoong Floranda, puspusan nilang isinusulong ang pagsuspindi sa VAT sa langis.
Kahit hanggang June 30, 2022 na lang ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maaari siyang magpalabas ng executive order para masuspindi ang VAT.
Anuman aniya ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay malaki ang epekto nito sa mga mamamayan lalo na sa hanay ng transportasyon.
Ayon kay Ginoong Floranda, malaki na ang nawala sa hanay ng transportasyon dahil mula noong Enero ay mahigit 30 pesos na ang itinaas ng diesel habang mahigit 40 pesos sa gasolina.
Ang mga apektadong negosyante ay hindi naman puwede ang dagdag-bawas sa kanilang mga produkto.
Kaninang 10:00am ay nagsagawa sila ng kilos protesta sa harapan ng Kongreso kasabay ng pagbubukas ng kanilang session at pagsisimula ng canvassing sa boto ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente.
Ito ay kaugnay ng kanilang panawagan na rebisahin ang mga probisyon ng Oil Deregulation law, Train Law at pagsuspindi VAT sa langis




