--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang panawagan ng IBON Foundation para maisulong ang pagbibigay ng makabuluhang sahod sa mga mangagawa kasabay ng bahagyang pagbilis ng implasyon sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, sinabi niya na mahirap i-asa lamang sa Department of Labor and Employment ang pagtaas sa sahod ng mga mangagawa.

Sinabi nito na para sa kanilang grupo na mas buo ang suporta nila sa legislative wage hike na kasalukuyan ng nakasalang sa kamara kayat mahalaga aniya ang pakikialam ng pambansang pamahalaan sa usapin ng dagdag sahod sa bansa.

Sa katunayan aniya ay pumasa na ang 150 pesos wage bill sa senado kaya hihintayin na lamang ang bersyon ng kongreso para mas malaki ang tiyansa nitong maaprubhahan.

--Ads--

Umaasa ang grupo na maisasabatas na ito para magkaroon na ng makabuluhan na umento sa sahod ang mga minimum wage earners.

Binigyan diin ni Africa na hindi totoong hindi kaya ng mga employers ang isinusulong na wage hike dahil batay sa datos na maliit na bahagi lamang ng gastusin ng mga negosyante ang dagdag na pasahod sa mga manggagawa.

Ayon sa IBON Foundation na hindi na sapat para sa pamilyang Pilipino ang kasalukuyang sahod ng mga mangagawa dahil malayong malayo ito sa kanilang computed daily consumption na 1, 208 pesos dulot na din sa mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.