--Ads--

CAUAYAN CITY –  Ligtas na nakauwi sa kanilang mga pamilya sa Lunsod ng Ilagan ang apat na construction worker sa Metro Manila gamit ang kanilang mga bisikleta.

Para hindi mamatay sa gutom dahil tumigil ang pinagtatrabahuan nilang construction company sa Navotas City, Metro Manila ay nagpasya ang apat na Isabelenio na umuwi gamit ang kanilang mga bisikleta.

Mahigit isang araw na naglakbay ang apat na lalaki mula Navotas City hanggang City of Ilagan sakay ng kanilang mga bisikleta.

Tiniis ng apat na kalalakihan ang init at pagod sa kanilang pagbibisikleta para ligtas na makauwi sa kanilang pamilya.

--Ads--

Bagamat walang  nakikitang sintomas ng COVID 19 sa apat na lalaki ay isinailalim sila sa  home quarantine.