CAUAYAN CITY – Dumami pa ang mga volunteer na nagbibigay ng suporta sa mga frontliners ng lunsod ng Cauayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pagkain, inuming tubig at iba pa nilang pangunahing pangangailangan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SK Chairman Jayson Purificacion ng Labinab, Cauayan City, sinabi niya na dahil sa kanyang hakbang mas nadama ng mga fronttliners ang suporta ng taumbayan sa kanilang sakripisyo upang mapanatiling COVID free ang lunsod.
Aniya, sa ngayon ay nagtutulungan na silang mga SK chairman ng District 1, 2 , Tagaran at ilang malalaking negosyante sa pamamahagi ng pagkain at face mask sa mga quarantine checkpoints at sa mga gasolinahan sa lunsod.
Nagtutungo na rin siya sa forest region ng lunsod upang mamahagi ng kaunting tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Enchanced Community Quarantine.











