--Ads--

CAUAYAN CITY Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang kawani ng isang agricultural supply sa Cauayan City.

Natagpuang patay ang 22 anyos na dalaga sa loob ng banyo ng inuupahang silid sa San Fermin, Cauayan City.

Ang dalaga ay residente ng Rang-ayan, Mallig, Isabela at pansamantalang nanunuluyan sa Coloma St., barangay San Fermin, Cauayan City.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, bago natagpuan ang bangkay ng dalaga ay hindi niya sinasagot ang tawag ng kanyang kasama sa trabaho kaya napilitan siyang pasukin sa inuupahang kuwarto at nakita ang wala nang buhay na katawan  na nakabitin sa loob ng banyo.

--Ads--

Batay sa autopsy ay namatay ang dalaga dahil sa pagbibigti.

Ayon pa sa pagsisiyasat ng pulisya, problema at stress sa trabaho ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng dalaga.

Ito ay batay sa pagpapalitan ng mensahe sa chat ng dalaga at kanyang kapatid na nasa ibang bansa at sinasabi ang kanyang mga problema at stress sa trabaho.

Apat na buwan pa lamang umano na nagtatrabo bilang assistant operations officer ang dalaga sa isang agri-supply company sa Cauayan City.

Ayon naman sa boss nito at mga kasama sa trabaho,  responsable at masipag na empliyado ang dalaga.

Una na umanong tinangka ng dalaga na magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot.

Naiuwi na sa kanilang bahay sa Mallig, Isabela ang labi ng dalaga.