--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang dalaga matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakikilang suspek sa Brgy. Luna, Roxas, Isabela.

Ang namatay ay si Caren Cal, 22 anyos, dalaga, at tubong Sorsogon ngunit pansamantalang naninirahan sa Roxas, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police Station kanyang inihayag na nagsusugal ang biktima sa isang lamayan sa nabanggit na barangay nang dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Dinala pa sa pagamutan si Cal subalit idineklara ring dead on arrival.

--Ads--

Nakuha naman sa pinagyarihan ng pamamaril ang tatlong bala ng Cal. 9mm pistol.

Sa ngayon ay hinahanda na Roxas Police Station ang kasong murder laban sa pinaniniwalaan mastermind na una umanoy nakaalitan ng biktima.