--Ads--

CAUAYAN CITY- Mapalad na nakapiglas at nakatakas ang isang dalagita sa kamay ng isang lalaking  sinubukan siyang dukutin sa Barangay Dos, Jones, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLT. Gaylord Clemente, Deputy Chief of Police ng Jones Police Station sinabi niya galing sa convenience store ang dalagitang biktima.

Posibleng minanmanan ng suspek ang biktima at hinintay nitong makadaan sa bahagyang madilim na bahagi ng kalsada sa tapat ng isang family clinic.

Aniya na dito ay isinagawa ng suspk ang tangkang pandudukot kung saan nilapitan, tinakpan ang bibig at pinagbantaan na sasaktan ang biktima kung manlalaban ito.

--Ads--

Sa kabila ng pagbabanta ay nagawa paring manlaban ng biktima at nagawang nitong makatakas at makahingi ng tulong habang nagtungo naman sa hindi pa malamang direksyon ng suspek.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga kapulisan sa suspek.

Ayon kay PLT. Clemente na ang suspek ay katamtaman ang pangangatawan, naka suot ng orange sweat shirt, mayroong green back pack na lulan ng isang single motorcycle na kulay pula na honda TMX.

Sa kabila ng insidente pinawi ng PNP Jones ang pangamba ng publiko at pinayuhan ang mga kabataan at kababaihan na iwasang maglakad sa madilim na lugar ng mag-isa lamang.

Kung sakali mang may kaparehong insidente ang muling maitala agad na ipagbigay alam sa Pulisya.