
CAUAYAN CITY – Muling nanawagan ng tulong ang labing anim na taong gulang na dalagitang mula sa lalawigan ng Quirino na nanganak ng Quadruplets sa Lunsod ng Santiago.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Novyl Cacayan, ina ng quadruplets, kanyang sinabi na bagamat nakalabas na siya sa pagamutan at maayos ang kanyang kalagayan ay nangangamba pa rin siya sa sitwasyon ng kanyang mga anak na nananatiling naka-incubate sa SIMC.
Ayon sa dalagita, pinangalanan nito ang kanyang mga supling na sina Kyra mae, Kate louise, Kylie jane, at Kendra claire.
Mayroon aniya silang lahing nagsisilang ng kambal dahil nanganak na ng kambal ang kaniyang ina.
Hanggang ngayon ay wala umanong ibinibigay na sustento ang ama ng mga bata na nakakadagdag pa sa pasanin ng kanilang pamilya dahil sa kalagayan ng mga sanggol na ang dalawa kanila ay mahina habang ang dalawa pang sanggol ay nasa maayos na kalagayan.
Pitung buwan pa lamang sa sinapupunan ng dalagita ang apat na sanggol nang kanyang isilang.
Nagpapasalamat ang dalagita sa mga nagbibigay ng tulong sa kanya at sa kanyang mga anak.










