--Ads--

CAUAYAN CITY – Hustisya ang hiling ng pamilya ng dalagitang nawala at natagpuan nang bangkay sa Dipintin, Maddela, Quirino.

Ang biktima ay si Glaiza Mae Saguiped, 13-anyos, estudyante at residente ng nabanggit na lugar.

Personal umanong nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang kagawad ng naturang barangay at ipinabatid ang pagkakatagpo sa isang bangkay ng babae sa lugar.

Natagpuan ang bangkay ng dalagita sa Diduyon creek sa barangay Dipintin at nasa state of decomposition na.

--Ads--

Kinumpirma naman ni Alfredo Saguiped na anak niya ang nasabing bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa maaring rason ng pagkamatay ng dalagita.

Samantala sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alfredo, umaasa siyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak at mahuli ang gumawa nito sa kanya.

Aniya siyam na araw nilang pinaghahanap ang kanyang anak hanggang sa matagpuan na itong wala nang buhay.