--Ads--

ILAGAN CITY – Dalawa ang nasawi habang isa ang nasugatan sa naganap na aksidente malapit sa tulay sa Barangay Manaring.

Ang mga nasawi ay sina Joshua Agregado, dalawampu’t limang taong gulang, tsuper ng sinakyang motorsiklo at ang kanyang pinsan na si Mark Bryan Cabang, dalawampu’t walong taong gulang kapwa residente ng Alinguigan 1st. City of Ilagan habang ang isa pang backrider na si Jonathan Gabuyo, dalawampong taong gulang, estudyante at kapatid ng tsuper ay nagpapagaling sa pagamutan.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, habang lulan ng motorsiklo ang mga biktima at binabagtas ang lansangan papasok sa Lunsod ng ilagan pangunahin na sa pakurbang bahagi ng daan malapit sa Tulay ay nag-overshoot o lumagpas sa paggilid ang motorsiklo.

Sumalpok ang motorsiklong sinakyan ng mga biktima sa kongkretong barikada sa dulo ng tulay.

--Ads--

Dead on Arrival sa pagamutan si Agregado na nahulog pa sa tulay habang ilang oras lamang Ang lumipas ay namatay din ang pinsan niyang si Cabang at patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Gabuyo.

Tumugon ang mga kasapi ng Rescue 1124 at kaagad binigyan ng lunas ang mga Biktima na positibo umano sa nakalalasing na inumin at wala pang suot na helmet.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kapitan Roberto Saccuan ng Barangay Manaring,  sinabi niya na accident prone area ang Lugar dahil sa pakurbadang daan sa kabila na may mga ilaw sa lugar.