--Ads--

Dalawa ang nasawi matapos araruhin ng Solid North bus ang isang karinderya at nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Santa Rosa–Tarlac Road sa Barangay Sto. Rosario, Santa Rosa Nueva Ecija nitong madaling-araw ng Miyerkules.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edwin Yumol, 50, at Uzel Reyes, 46, kapwa residente ng nasabing barangay, na noon ay nasa karinderya nang mabangga ng bus.

Ayon kay Police Major Williard Dulnuan, hepe ng Santa Rosa municipal police, kritikal ang kalagayan ng driver ng bus na tumangging magpakilala at kasalukuyang ginagamot sa isang lokal na ospital.

Batay sa inisyal na imbestigasyon bigla umanong kumabig pakanan ang bus na patungong silangan at bumangga sa isang nakaparadang van at sa karinderya bago tuluyang huminto matapos araruhin ang isang tindahan sa tabi nito.

--Ads--

Ayon pa sa pulisya walang pasahero ng bus ang naiulat na nasaktan.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang eksaktong sanhi ng aksidente.