sugatan ang dalawang motorcycle rider matapos ang magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo sa Maharlika Highway, Purok Nieto, Brgy. Batal, Santiago City .
sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan nakilala ang mga sangkot na driver na sina
alyas ‘Ryan’, 25-anyos, residente ng Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela at alyas ‘John’, 22-anyos ng Brgy. Plaridel, Santiago City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, magkasalungat na bumabaybay sa kalsada ang dalawang motor kung saan tinatahak ni ‘Ryan’ ang Brgy. Divisoria habang patungong Brgy. Mabini naman si alyas ‘John’.
Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, napunta umano ang Aerox sa kabilang linya at aksidenteng nasalpok ang kanang bahagi ng kasalubong na Honda Click.
Bilang resulta, nagtamo ng pinsala sa kanilang katawan ang dalawang driver.
Agad naman silang dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng rescuers habang nasa kustodiya na ng kapulisan ang kanilang napinsalang motorsiklo.











