--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsumbong sa San Pablo Police Station ang dalawang lalaki matapos ma-hijack ang kanilang minamanehong 10-wheeler truck sa Namabbalan Sur, Tuguegarao City.

Ang nagsumbong ay sina Reynante Dacitiana, 49 anyos, may-asawa, tsuper ng truck at kasamang si Lito Bautista, 47 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Insp. Orlando Marayag, hepe ng San Pablo Police Station, sinabi niya na matapos magsumbong ay agad nilang pinuntahan ang lugar at natagpuan ang isang truck sa Namabbalan Sur habang ang isa pang truck ay naharang at natagpuan sa riverside overflow bridge ng lunsod ng Tuguegarao at nakabantay ang mga kasapi ng Tuguegarao Police station.

Batay sa nakuha nilang impormasyon, 3 armadong lalaki na armado ng mahaba at maigsing baril ang nang hijack sa dalawang truck.

--Ads--

Nakuha sa mga biktima ang perang nagkakahalaga ng P/11,000.00 at bag na naglalaman ng cellphone.

Patungo sana sa Cagayan ang dalawang truck upang magdeliver ng mga inumin ngunit pansamantalang namahinga sa Namabbalan Sur.

Sinabi pa ni P/Senior Insp. Orlando Marayag posibleng holdup ang pakay ng mga suspek dahil batay sa kanilang pagsisiyasat kapaparada pa lang ng dalawang sasakyan nang lapitan at hayjakin ng mga pinaghihinalaan.