--Ads--

CAUAYAN CITY– Dalawang barangay sa Dinapigue, Isabela ang isolated dahil pag-apaw ng ilog at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Karding.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Mark Ian Churawan, Asst. Local Disaster risk reduction and management officer ng Dinapigue humupa na ang malalaking sa alon ng dagat na naranasan sa kasagsagan ng bagyo

Isolated ang barangay ng Dimalwadi dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog at walang makadaan na sasakyan.

Sa barangay Ayug naman ay nagkaroon ng pagguho ng lupa at patuloy ang clearing operation.

--Ads--

Maayos naman aniya ang kalagayan ng mga residente sa dalawang barangay.

May mga evacuees sa naturang mga barangay at dadalhan nila ng mga relief packs.

Walang suplay ngayon ng koryente sa bayan ng Dinapigue dahil ang kanilang linya ng elektrisidad ay mula sa lalawigan ng Dinapigue na hinagupit ng bagyong Karding.

Ang pahayag ni Ginoong Mark Ian Churawan.