--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang lalaki na pinaniniwalang biktima ng Extra Judicial Killings ang natagpuan sa drainage Canal sa Catengtengan, Barangay Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office na ang dalawang bangkay ng lalaki ay parehong nakatali ang mga kamay at paa sa pamamagitan ng plastic strap.

Habang ang kanilang mga bunganga at mukha ay napuluputan ng packaging tape

Ang unang bangkay ay nakasuot ng tsineles na kulay itim at asul na may tatak na Islander, naka-short ng itim, naka-puting sando,may naka-tattoo na SMOKE sa kanang kamay.

--Ads--

Ang biktima ay nagtamo ng bala ng baril sa kanyang kanang kamay, kaliwa at kanang bahagi ng mukha at kaliwang paa.

Ang pangalawang bangkay ay nakasuot ng asul na sando, kulay abong pantalon at kulay asul ang kanyang saplot

Siya ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo, dibdib, at sa kanyang kilikili.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang dalawang biktima ay pinagbabaril na sanhi ng kanilang kamatayan sa lugar kung saan natagpuan ang kanilang bangkay.

Nakuha ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala mula sa Cal. 45 baril.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng Extra Judicial Killings.