Arestado ang Dalawang lalaki matapos ang ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Rizal, Santiago City.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Boy Bilis,” 37 anyos, at “Buks,” 36 anyos, kapwa residente ng Cordon, Isabela.
Ayon sa pulisya, naaresto ang mga suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na umakto bilang poseur buyer kapalit ng ₱2,500.
Nasamsam mula sa mga suspek ang hinihinalang ilegal na droga, buy-bust money, isang cellular phone, at isang motorsiklo.
Isinagawa ang inventory at dokumentasyon ng mga ebidensiya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinauukulang saksi bago dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya.
Ang hinihinalang ilegal na droga ay isinailalim sa laboratory examination habang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
--Ads--











