CAUAYAN CITY -Patuloy na sinisiyasat ng mga otoridad ang naganap na robbery hold-up sa Mabini, Santiago City.
Ang mga biktima ay sina Romel Obra,38 anyos, may-asawa at Marione Sol Guiring, 24 anyos, kapwa empleyado ng isang pribadong kompanya na nakahimpilsa Purok 3, Rizal, Santiago City.
Batay sa pagsisiyasat ng Station 1, habang pauwi ang mga biktima sa kanilang tirahan ay may dalawang lalaki na nakasuot ng puting jacket at sombrero ang lumapit sa kanila saka tinutukan sila ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Agad kinuha ng 2 suspek ang bag na naglalaman ng P/620,000.00 at dalawang cellphone ng mga biktima.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Captain Romel Cansejo, Station commander ng Police station 1 sinabi niya na nang maganap ang panghoholdap matapos ang malakas na ulan kung saan brown out pa umano sa pinangyarihan ng panghoholdap.
Hindi naman isinasantabi ang pulisya ang posibilidad na inside job ang naganap na panghoholdap dahil sa ilang beses na umanong pinuna ng nasabing kompanya ang kanilang mga empleyado na nag-uuwi ng cash na kita ng kanilang kompanya.
Nauna na ring naholdap ang isa nilang kompanya na nakahimpil sa Solano, Nueva Vizcaya.