--Ads--

Dalawang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa ng mga kapulisan sa ikinasang operasyon ng Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office katuwang ang PDEA at ibang unit ng PNP sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.


Naaresto operasyon ang mga suspek na sina alyas Ris, 55-anyos, salesman at tubong Cainta, Rizal at alyas Rem, 43-anyos na tubong Santiago City na kapwa kabilang sa Street Level Individulals.


Nasamsam ng mga awtoridad ang iba’t ibang ebidensya sa isinagawang buy-bust operation laban sa mga suspek kabilang ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 10 gramo at nagkakahalaga ng Php28,000.00.

Narekober din ang isang tunay na Php1,000.00 bill na ginamit bilang buy-bust money at 27 pirasong boodle money.

--Ads--


Bukod dito, natagpuan din ang dalawang maliit na timbangan, isang Glock 17 na 9mm pistol kasama ang tatlong magazine at 34 na bala, pati na rin ang isang Taran airsoft rifle na may scope at tatlong magazine.

Nakuha rin ang isang itim na pouch na naglalaman ng Php128,000.00, isang Android phone at isang SLR gun bag na may airsoft rifle.


Kasama ring nakumpiska ang isang itim na plastic tube na may iba’t ibang drug paraphernalia, isang Toyota Vios at driver’s license ni alyas Ris kasama ang mga dokumento ng naturang sasakyan.


Sa kasalukuyan, ang mga suspek at ang mga narekober na ebidensya ay nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. Sila ay mahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.