--Ads--

Nakapagtala ang Police Regional Office 2 ng dalawang Illegal Discharge of Firearm partikular sa Bayan ng Cabagan at Probinsya ng Cagayan sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

May naitala ring 102 fireworks related injury (FWRI) kung saan pinakamataas sa Cagayan na sinundan ng Isabela at 29 cases dito ang nasugatan dahilk sa kwitis.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2 sinabi niya na bagamat naging mapayapa ang pagdiriwang ng bagong taon ay nakakumpiska sila ng mga illegal firecrackers.

Wala naman silang recorded injury dahil sa ligaw na bala.

--Ads--

Samanatala, aminado ang PRO 2 na isa ang Cagayan Valley sa mga probinsya sa buong bansa na may mataas na kaso ng aksidente kaya naman mas paiigtingin pa ng PRO 2 ang kanilang mga hakbang upang makapag palaganap ng sapat at tamang impormasyon sa mga motorista upang makaiwas sa aksidente.

Samanatala, matapos ang holiday Season ay muling magkakaron ng pagpupulong ang Pulisya kasama ang iba pang mga ahensya ng Pamahalaan para sa paghahanda sa 2025 National at Local Elections.

Ayon kay Pmaj. Mallillin mula January 6 hanggang sa buwan ng Mayo ay activated na ang monitoring ng PNP, AFP at COMELEC.