--Ads--

CAUAYAN CITY- Kapwa nasungkit ng dalawang Isabeleño ang gintong medalya sa katatapos na International Singapore Waein Cup Taekwondo na ginanap sa bansang Singapore.

Sila ay sina Queen Khiara Alvarez ng Santiago City at Cris Reymar Lopez ng Quezon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Queen Khiara Alvarez, sinabi niya na bagama’t kinakabahan siya sa mismong kompetisyon ay kumpiyansa siya na maiuuwi niya ang Gintong Medalya dahil matagal niya itong pinaghandaan.

Ito ang unang pagkakataon na sumabak sa international competition si Khiara kaya labis ang kaniyang tuwa pangunahin na ang kaniyang magulang na patuloy ang pagsuporta sa kaniya.

--Ads--

Ayon kay G. Nathalie, noong pandemya ay puro gadgets umano si Kiara kaya hinikayat niya ito na mag-ballet training ngunit hindi umano ito gusto ng kaniyang anak dahil mas gusto nito ang mag-taekwondo.

Dito na rin nagsimula ang karera ni Kiara sa naturang sports dahil sumabak na siya sa iba’t ibang local at national competition hanggang sa makarating siya sa Waein Cup sa singapore.

Pagkatapos niyang manalo sa singapore ay mayroong ulit siyang pinaghahandaang laban sa Japan.

Nanawagan naman ang Nanay ni Nathalie ng suporta mula sa pamahalaan para sa muling pagsabak nito sa international stage dahil hindi  rin umano biro ang gastos.

Gayunpaman, hinikyat pa rin niya ang mga magulang na patuloy lamang na suportahan ang kanilang mga anak sa mga passion at interest nito dahil dito sila nahuhubog.

Pinayuhan naman ni Khiara ang mga kapwa niya mahilig sa sports na ipagpatuloy lamang ang pageensayo at huwag sumuko at balang araw ay makakamit din ng mga ito ang tagumpay.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Cris Reymar Lopez na maiuuwi nito gintong medalya sa katatapos na International Singapore Waein Cup Taekwondo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cris, sinabi niya na hindi una na siyang sumabak sa international competition sa Thailand kung saan rank 8 lamang siya kaya naman hindi nito inasahan na siya ang mangunguna sa Singapore.

Aminado naman siya na kinabahan siya sa kaniyang pagsalang sa kompetisyon dahil magagaling ang mga kaniyang mga makakalaban ngunit sinabi niya na bilang atleta ay kailangan nilang harapin ang kanilang takot para bansa at sa pamilya na sumusuporta sa kaniya.

Sa ngayon ay pinaghahandaan naman nito ang Wata Open Taekwondo Championship sa Japan sa buwan ng Abril.

Ayon kay Cris, dati siyang gymnast ngunit matapos siyang ayain ng kaniyang pinsan na makibahagi sa Summer training taekwondo ay dito na siya napamahal sa naturang sports.

Aminado naman siya na hirap siyang I-balance ang kaniyang pag-aaral at sports ngunit dinodoble umano niya ang kaniyang effort para matiyak na wala siyang mapabayaan alinman sa mga ito.