--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis ang panlulumo ng dalawang magsasaka matapos na matagpuang patay na ang kanilang mga alagang kalabaw sa lugar kung saan nila ito ipinastol sa Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na nakawala ang isa sa mga kalabaw na ipinastol ng isa sa mga magsasaka.

Napadpad ito sa masukal na bahagi ng pastulan na napapalibutan ng mangga kung saan nakita nito ang isa pang kalabaw na nakatali.

Doon ay nag away ang dalawang kalabaw at kinabukasan ay natagpuan na lamang ng mga may-ari na patay na ang mga ito.

--Ads--

Kahit na nalulungkot ay napilitan na lamang ang mga magsasakang katayin ang dalawang kalabaw para mapakinabangan.