CAUAAYAN CITY- Nananatiling dikit ang laban nina US Presidential Candidate Kamala Harris at Donald Trump ilang oras bago ang halalan sa Estados Unidos.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na pagdating sa mga battle ground states ay halos tie ang laban nina Harris at Trump ngunit sa nangunguna si Harris sa Nevada at lamang naman si Trump sa Arizona at Georgia.
Ngayong huling araw ng election campaign ay iikot ang pangangampanya ni Harris sa Pennsylvania kung saan binisita niya ang apat na lungsod ng naturang Estado.
Sinimulan naman ni Trump ang kampanya nito sa North Carolina, Pennsylvania at magtatapos sa Michigan.
Mahigpit naman ngayon ang seguridad sa US at kabi-kabilaan umano ang surveillance at task force upang matiyak na maging maayos at payapa ang halalan.
Samantala, hindi naman itinuturing na non-working day ang araw ng halalan sa Estados Unidos.
Binibigyan lamang aniya ang mga empleyado ng 2 hanggang 3 oras para bumoto.