--Ads--

Nadagdagan ng dalawang luxury o muscle cars ang Cauayan City Components Police Station para sa pagpapalakas ng kanilang hanay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLT.Col. Avelino Canceran Jr., ang mga ito ay ipinahiram lamang ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan bilang karagdagang kagamitan na makatutulong sa kanilang hanay.

Aniya, hindi pa ito pinal na gagamitin ng PNP, lalo na ang ikalawang muscle car na ipinagkaloob sakanila dahil kailangan pa itong ipaalam sa Regional Office.

Maging ang mga kinakailangang ilagay sa bagong muscle car ay kailangan munang maikabit bago ito magamit kung papayagan ng rehiyon.

--Ads--

Dagdag niya, ito ay ipinaharam lamang ng LGU sakanila at wala rin silang ideya kung magkano ang pricing ng bawat isa.

Giit niya, ang kahalagahan ng ganitong mga sasakyan ay makakatutulong sa kanila sa pagtugon ng insidente sa lungsod tulad ng mga kasong hit and run at pagtakas ng suspek na kinakailangan ng agarang aksyon.