--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko sa Ambaguio  Police Station ang dalawang kasapi ng New People’s Army o NPA.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang mga sumuko ay sina Alyas Aryo, apatnaput dalawang taong gulang at Alyas Johnny, dalawamput limang  taong gulang, kapwa magsasaka at residente ng Ammoweg, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Ang dalawang sumukong rebelde ay tumugon sa isinusulong ng pamahalaan na programang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Batay sa salaysay ng dalawa taong 2020 nang marecruit sila ng mga NPA at naging kasapi ng Kilusang Larangang Guerilla Ifugao-Ilocos-Cordillera Regional Committee sa pamumuno ng isang Ka Alex

--Ads--

Ang naturang grupo ay kumikilos sa Ifugao, Nueva Vizcaya at mga Probinsiya sa Ilocos.

Inihayag ng dalawa na naging aktibo silang kasapi ng Militia ng Bayan at nagsilbing spotter o runner sila ng mga reblde.

Ngunit noong September 2021 ay unti unti nang humina ang partisipasyon nila sa grupo dahil sa problema sa pamilya at nagpasyang sumuko na sa tropa ng pamahalaan.

Isasailalim nang mga otoridad ang dalawa sa debriefing na ngayon ay nasa kanilang pangangalaga.