Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa Barangay San Antonio, Diffun, pasado alas-8:25 kagabi, Enero 24, 2026.
Kinilala ang mga suspek bilang si alyas “Kiko,” 42 anyos, at alyas “Chito,” 31 anyos, parehong residente ng Rizal, Diffun, Quirino.
Ayon sa ulat, pinangunahan ng Quirino Police Provincial Office, katuwang ang Quirino Police Drug Enforcement Unit, Quirino Police Intelligence Unit, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quirino, at Regional Intelligence Unit 2, sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 2, ang operasyon na nagbunga sa kanilang pagkaka-aresto.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang pakete ng shabu na may bigat na 0.3 gramo, tinatayang nagkakahalaga ng P2,500.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Diffun Municipal Police Station ang mga suspek at haharap sa kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.







