--Ads--

CAUAYAN CITY– May mga kasong rape at Acts of Lasciviousness ang dalawang lalaking naaresto ng San Manuel Police Station at Sto. Tomas, Police Station sa Isabela.

Nahuli ng mga kasapi ng San Manuel Police Station ang isang menor de edad na may kasong pangagagahasa.

Isinilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela sa menor de edad

Maayos namang sumama ang akusado sa mga pulis.

--Ads--

Walang piyansang iminungkahi ang korte para sa pansamantalang paglaya ng menor de edad.

Samantala, Php12,000.00 ang kailangang ilagak na piyansa ng isang magsasaka na may kasong Acts of Lasciviousness.

Isinilbi ng Sto.Tomas Police Station sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Mariano Manalo, ang hepe ng pulisya ang warrant of arrest ni Joseph Salas, 29 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Bolinao, Sto.Tomas, Isabela..

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Rogelio Anapi, Presiding Judge ng MTCC Cabagan, Isabela.