--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang dalawang lalaki na nasangkot sa pananaga sa Benito Soliven Police Station.

Ang suspek ay si Fernando Quilang, 40 anyos, may-asawa, residente Libertad San Mariano, Isabela

Ang biktima ay si Aurelio Noche,37 anyos, magsasaka at residente ng Danipa, Benito Soliven, Isabela `

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO3 Jefferson Dalayap, tagasiyasat ng Benito Soliven Police Station na ito na ang dalawang pagkakataon na nasangkot ang suspek at biktima sa pananaga.

--Ads--

Anya noong una ay tinaga ng biktimang si Noche si Quilang sanhi para sampahan siya ng kasong frustrated homicide.

Ngayon naman ay tinaga ni Quilang si Noche na sanhi para sampahan naman siya ng kasong frustrated homicide.

Nag-ugat ang alitan ng dalawa matapos mag-inuman na hindi naayos at nauwi sa gantihan.

Nauna rito ay dumating si Quilang na lasing sa isang tindahan kung saan naroon si Noche at biglang tinaga sa hita.

Gumanti lamang si Quilang matapos anyang naunang tagain ni Noche.