--Ads--
CAUAYAN CITY- Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo, Setyembre 15.
Sa impormasyong inilabas ng state weather bureau dakong 8:00 ng umaga huling namataan ang LPA sa loob ng PAR 440 kilometro ang layo sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Ayon pa sa PAGSA na mababa naman umano ang tiyansang mabuo ito bilang isang bagyo ang LPA sa loob ng 24 oras.
Samantala, binabantayan din ang LPA na huling namataan sa labas ng PAR 2,145 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas.
--Ads--