--Ads--
CAUAYAN CITY – Pasok ang Santiago City at Ilagan City sa Top 50 na pinakamayamang Lungsod sa Pilipinas kung ang pagbabatayan ay kabuoang asset value.
Ayon sa talaan na inilabas ng Commission on Audit (COA), nasa ika-44 na pwesto ang Lunsod ng Santiago na mayroong 4.820 billion na net assets noong 2019 at 5.470 billion pesos sa 2020.
Nasa ika-50 pwesto naman ang Lunsod ng Ilagan na mayroong net assets na 3.380 billion pesos noong 2019 at 4.840 billion pesos noong 2020.
Samantala, nasa ika-67 na pwesto naman ang Tuguegarao City na may net asset na 3.420 billion pesos noong 2019 at 3.740 billion pesos sa 2020.
--Ads--











