--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Police Station ang dalawang magsasakang wanted sa kasong panununog sa barangay Minanga, Tumauini, Isabela.

Ang mga dinakip ay sina Juan Tamma, 66 anyos,may-asawa at Melanio Tamma, 43 anyos, binata, kapwa magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Isinilbi ng mga kasapi ng Tumauini Police Station sa dalawang magsasaka ang kanilang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jesus Torio 11 ng RTC Branch 22 Cabagan sa kasong arson.

Makakalaya lamang ang mga suspek kapag naglagak ng tig-Php180,000.00 piyansa.

--Ads--