--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang menor de edad nasawi habang kritikal naman ang isa pa matapos na masalpok ng SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Oscaris, Ramon, Isabela.


Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin ang Hepe ng Ramon Police Station sinabi niya na ang mga sangkot sa aksidente ang isang itim na honda XRM 125 na kinalululanan ng mga menor de edad biktima, habang ang iba pang sangkot na sasakyan ay isang Ford Expedition na minamaneho ni Dindo Beronilla empleyado ng isang punerarya na residente ng Caliguian Burgos, Isabela at isang Isuzu Elf Truck na nakaparada sa gilid ng kalsada.


Dalawa sa nga menor de edad na biktima ay nakilala na kapwa residente ng Alfonsolista Ifugao habang ang isa ay nanatiling unidentified.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, binabagtas ng motorsiklo ang pambansang lansangan patungong San Mateo Isabela habang patungo naman sa Santiago City ang SUV.


Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay lumiko papasok sa isang kainan ang mga biktima nang masalpok sila ng SUV.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong sakay ng motorsiklo na nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na nagsanhi ng pagkakasawi ng dalawa habang kritikal ang isa pang menor de edad.

--Ads--


Samanatala, labis naman ngayon ang pagdadalamhati ng isang ama sa kinahinatnan ng kaniyang bunsong anak matapos na siyang masawi matapos na masangkot sa aksidente sa Oscaris, Ramon, Isabela.


Ayon kay Ginoong Rolly Calugay kaarawan niya kahapon kung kailan nangyari ang aksidente at nakatakda sana nila itong ipagdiwang sa November 30.


Aniya ginagamit talaga ng kaniyang anak ang motorsiklo nito para pumasok sa eskwelahan, hindi na umano umawi ang kaniyang anak kagabi kung kayat laking gulat nito nang mabalitaang nasangkot sa aksidente ang kanyang anak