--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa na ng imbestigasyon ng kapulisan ang nangyaring kaguluhan na nauwi sa pananaksak na kinasasangkutan ng mga kabataan sa isang Food House sa Brgy. Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, ang mga biktima ay nagtungo sa kanilang pinapasukang Unibersidad upang dumalo sa isang misa nang makasalamuha nila ang grupo ng mga menor de edad hanggang sa sila’y nagkaroon ng pagtatalo.


Matapos ang misa, muling nagtagpo ang dalawang grupo sa nasabing food house na nauwi sa pananaksak sa dalawang biktimang may edad 14 at 17.


Agad na tumakas ang grupo ng suspek matapos ang insidente sakay ng pampasaherong traysikel ngunit agad din silang naharang ng rumespondeng security guard ng Unibersidad at naipasakamay sa mga otoridad.

--Ads--


Narekober sa grupo ng mga suspek ang dalawang piraso ng metal o alluminum knuckles ngunit hindi na nakuha ang ginamit na patalim sa pananaksak.


Naidala naman sa ospital ang mga sugatang biktima na agad nalapatan ng lunas.