--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang motorcycle rider ang nasugatan matapos na magsalpukan ang mga minamaneho nilang motorsiklo sa San Manuel, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga sangkot ay sina Calipdan Cumarat na residente ng Sta. Ana, Echague, Isabela at Robert Fernandez, 33-anyos at residente ng Mabini, Santiago City.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya kapwa binabagtas ng mga biktima ang naturang barangay road nang mag-overtake umano sa sinusundang kolong kolong si Fernandez at hindi nakita ang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Gumarat.

Kapwa nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang mga biktima na dinala sa isang pagamutan sa Lunsod ng Santiago upang malapatan ng lunas.

--Ads--

Ayon sa imbestigador ng Echague Police Station, negatibo sa nakalalasing na inumin ang dalawang tsuper subalit kapwa mabilis ang pagapatakbo kaya ganun na lamang ang impact at injury na kanilang natamo.

Inaasahan namang makikipag-ugnayan sa pulisya ang pamilya ng mga sangkot para sa isang pag-uusap.