CAUAYAN CITY- Pangkalahatang mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa Lunsod ng Cauayan.
Sa mga nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan naitala ng Cauayan City Command Center at Rescue 922 ang lima (5) na firecracker related injury hanggang nagyong araw January 1.
Batay sa pamunuan ng Cauayan District Hospital (CDH) nakapagtala sila ng injuries dahil sa paputok kung saan ang 9-anyos na biktima ay nag tamo ng blast/burn injury dahil sa luces habang may isang (1) nabiktima ng boga , isa (1) ay nabiktima ng 5 star at isa (1) nag biktima ng kwitis habang may isa (1) ring naputukan ang naitala sa IUDMC.
Nanatiling naka alerto o nasa full Alert Status ang mga pagamutan hanggang sa mga sususnod na araw dahil sa inaasahang marami parin ang gagamit ng paputok ngayong araw.
Nakaantabay naman ang mga itlog na gagamitin bilang first aid para sa mga mabibiktima o makakalunok ng watusi
Dalawang New Year Baby naman ang isinilang sa Cauayan District Hospital na pawang mga babae.
Samanatala, halos nag kaubusan ng stock ng paputok kagabi dahil sa naging pagdagsa ng mga mamimiling humabol sa pagbili ng mga pailaw at paputok.
Nagalak ang maraming bata dahil sa makukulay na fireworks display sa Cauayan City Hall bilang pagsalubong sa taong 2025.