--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatiling nakabukas ang dalawang spill way gate ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA MARIIS)  dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig ng Dam bunsod ng mga pag-ulan sa Magat Water Shed.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Michael Gileu Dimoloy ang Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na nanatiling nakabukas ang dalawang spill way gate na may tig-tatlong metro ang taas.

Nanatili naman sa 1,400 cubic meters per second ang inflow sa magat dam habang 800 cubic meters per second naman ang outflow.

Inaasahan namang mas lalaki pa ang water inflow hanggang 1,400 to 2,000 cubic meters per second, ito ay dahil sa tuloy tuloy ang pagtaas sa antas ng tubig sa dam bunsod ng malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Gener at Habagat.

--Ads--

Wala pa namang nakikitang epekto ang ginagawang pagpapakawala ng tubig ng Dam sa Magat River bagamat may bahagyang pagtaas ay may malaking ambag dito ang iba pang water tributaries sa magat river.

Mananatili namang naka monitor ang NIA-MARIIS sa wetaher forecast ng state weather bureau kaugnay sa isa pang bagyo na Helen na kapapasok lamang sa Philippine Are of Responsibility.