--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga tumakas na kasapi ng New Peoples Army ( NPA ) na nakasagupa kahapon sa Dicamay Dos, Jones, Isabela.

Nasawi sa sagupaan sina Staff Sgt. Magno Bagioan na taga-Abra at Private 1st Class Romeo Mayos na taga Mt. Province.

Nasa ligtas nang kalagayan ang apat na sundalong nasugatan na sina 1st Lt. Joshua Barrio, Sgt. Arnold Mangawit, PFC Novel Maramag at PFC Gilbert Pablo.

Umaabot sa dalawampung kasapi ng NPA ang nakasagupa ng tropa ng 54th Infantry Battalion philippine army.

--Ads--

Sinasabing maghahatid ng supply ng mga pagkain ang tropa ng militar sa nasabing lugar nang makasagupa nila ang mga rebelde.

Ang bangkay ng dalawang napatay na sundalo iniuwi ng kanilang pamilya sa kani-kanilang lugar.

Ito na ang ika-apat na sagupaan ng militar at mga rebelde sa loob ng isang linggo.