--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok 5, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office ang dalawang inarestong suspek ay sina alyas “Dan” na ikinukunsiderang street level individual na residente ng Pasay City at alyas “Mike” na isang newly identified drug personality na residente naman ng Cabagan, Isabela.

Isinagawa ang nasabing operasyon ng mga otoridad mula sa koordinasyon sa PDEA RO2 kung saan nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust stuff), isang piraso ng puting envelop, walong piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu, dalawang  unit ng  android cellular phone, isang piraso ng kulay itim na beltbag na naglalaman ng Php 480 peso bill sa ibat ibang denominasyon at ibat-ibang klase ng ID at resibo; isang piraso ng isang libong piso at labing limang piraso naman na isang libong piso na boodle money.

Dinala sa himpilan ng City of Ilagan Police Station ang mga suspek kasama ang mga nasamsam na ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

--Ads--